11: Ati-Atihan Festival (Santo Niño)
- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?
- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...
Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Ang Ati-Atihan Festival ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Enero.
Ito ay ginaganap sa Kalibo, sa probinsiya ng Aklan.
Sa pagdiriwang na ito inaalala at binibigyang papuri ang Santo Niño.
Sinasabing ang mga pista ng Sinulog ng Cebu at Dinagyang ng IloIlo ay hango sa pagdiriwang na ito.
Sinasabing ito ang pinagmulan ng maraming mga kapistahang Pilipino.
Sa lesson na ito, malalaman natin kung paano ipinagdiriwang ang Ati-Atihan Festival …
- Alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang "Ati-Atihan?”
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Sinasabi na nagsimula ang pagdiriwang ng dumating sa isla ng Panay ang sampung datung tumakas mula sa Borneo kasama ang kanilang mga pamilya, alipin at mandirigma sakay ang balangay.
Kapalit ang isang ginintuang salakot at iba pang mga yaman, binili nila ang lupa mula sa mga katutubong nakatira doon.
Matapos ang palitan, nagkaroon ng kasiyahan at pagdiriwang.
Nang masakop at naging Katolikong bansa ang Pilipinas, binigyan ng Kristiyanong kahulugan ang pagdiriwang.
Isinasagawa ang pagdiriwang sa loob ng isang linggo.
Nag-uumpisa ang pagdiriwang sa isang misa.
Nagbubukas ang mga pagdiriwang sa ikalawang araw sa isang prusisyon habang dinadasal ang rosaryo at natatapos ito sa isang misa.
Sa gitna ng linggo, nagkakaroon ng masiglang parada kung saan ang 17 na bayan ng Aklan ay nagpapakitang-gilas ng kanilang katangi-tanging kultura, sayaw, at galing.
Pero hindi lamang kultural ang mga pagdiriwang sa Ati-Atihan.
Dito, mayroon ring mga pagtatanghal na mga lokal na banda at mga artista gabi-gabi para rin makilala ang popular na kultura ng Pilipinas.
Karaniwang sinisigaw ang "Hala Bira" habang pinagdiriwang ang Ati-Atihan Festival.
Sa huling araw ng pagdiriwang makikita ang pinakaaabangan sayawan at parada ng mga naka-pintang mga mananayaw, suot ang kanilang mga magarbong kostyum, at sumasayaw kasabay ang kumpas ng mga tambol.
Pati ang mga manunood ay inaanyayahang sumali sa sayawan.
Natatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon kung saan nagdadala ang mga gustong lumahok ng mga kandila at ng mga iba't-ibang imahen ng Santo Niño ...
Sa bawat kalye na puno ng tagapanood, isang ekspresyon ang madalas na sinisigaw ng lahat.
"Hala bira”!
Ito'y salitang Aklanon na ang ibig sabihin ay "ibuhos ang lahat" o "ibigay ang lahat.”
Kaya sa pag-aaral rin ng Filipino, tara!
Hala bira!
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
- Alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang "Ati-Atihan?”
Ang ibig sabihin ng Ati-Atihan ay magkunwari na parang Aeta.
Ayon sa mga salaysay, pagdating ng mga datung tumakas mula sa Borneo tinaggap sila ng mga Aeta.
Bilang pasasalamat, sila'y naghanda ng pista kung saan nakapinta parang-Aeta ang kanilang mga mukha.
Kamusta ang lesson na ito?
May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Nasubukan niyo na bang sumali sa isang pistang gaya ng Ati-Atihan Festival?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.
Hanggang sa susunod na lesson!