×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.


image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: WAAAH! NAKAGAT AKO NG ASO (BITTEN BY MY PUPPY) WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (2)

FILIPINO BOOK: WAAAH! NAKAGAT AKO NG ASO (BITTEN BY MY PUPPY) WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (2)

"A, ganun ba?" tanong ni Dra. Espie.

"O sige, uunahin ko munang bigyan ng bakuna sina Zimatar at Bronson.

Puwera muna si Bruna kasi kailangan muna natin siyang obserbahan sa loob ng sampung araw.

Kung walang masamang mangyayari kay Bruna, ibalik ninyo siya rito para bakunahan ko."

Ilang saglit pa at iniiniksyunan na ng bakunang kontra-rabis sina Bronson at Zimatar.

Puro igik at ungol ang maririnig sa paligid.

Nang matapos ito ay kinalabit ni Janella si Mommy Grace.

"Ligtas na po bang kalaro ang mga tuta?"

"Oo, anak.

Pero ikukulong at oobserbahan muna natin si Bruna.

Ipagdasal na lang natin na walang masamang mangyayari sa kanya."

Sunud-sunod na tango ang naging sagot ni Janella.

"Opo, ipagdarasal ko po si Bruna.

At saka Mommy, sorry po kasi puro si Bruna ang inatupag ko.

Nakagat tuloy ako.

Promise po, pagbubutihin ko na ang pag-aaral ko."

Mula noon, araw-araw nilang tinitingnan kung may pagbabago kay Bruna.

Pagkagising sa umaga, agad nilang pinupuntahan ito sa kanyang kulungan.

Inoobserbahan ang bawat galaw nito, kung may gana itong kumain, kung masigla ito o malungkot.

Sa eskuwelahan naman, napansin ng titser hi Janella na matataas na ang mga grado nito sa mga exam.

Matuling lumipas ang sampung araw.

Tumakbo kay Mommy Grace si Janella.

"Mommy, sampung araw na mula nang makagat ako ni Bruna.

Buhay pa po si Bruna!

Saka masigla pa rin po siya.

Ibig sabihin, ligtas na po siya?"

"Oo, anak, at ligtas ka na rin sa rabies!

Salamat sa Diyos!"

Nakahinga nang maluwag si Mommy Grace.

Napatili sa saya si Janella.

Nagmamadaling inilabas niya si Bruna at kinarga papalabas ng kanilang gate.

"O, anak, saan ka pupunta?" tanong ni Mommy Grace.

"Kay Dra. Espie po, Mommy!

Di ba't sabi n'ya, kapag walang masamang nangyari kay Bruna, ibabalik natin ito sa kanya para pabakunahan?"

O, mga bata, ngayon, mas maalam na tayo sa tamang pangangalaga ng ating mga alagang aso.

Alam na rin natin ang dapat nating gawin kapag nakagat tayo ng aso.

Mas mabuti talaga kung sasabihin agad ito sa ating mga magulang.

Para sa mga magulang naman, heto ang mga dapat gawin kapag may nakagat ng aso:

• Paduguin ang sugat.

Hugasang maigi ng sabon at tubig.

Alamin kung may bakuna ang asong kumagat.

Kumunsulta agad sa doktor o nurse.

HUWAG papatayin ang aso (kahit na galit kayo dito!).

Itali o ikulong agad ito at obserbahan sa loob ng 10-14 na araw. Tingnan kung magiging mabangis ang aso o kung magiging matamlay ito.

Kung mananatiling buhay ang aso sa loob ng dalawang linggo, walang taglay na rabies ang aso.


FILIPINO BOOK: WAAAH! NAKAGAT AKO NG ASO (BITTEN BY MY PUPPY) WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (2) PHILIPPINISCHES BUCH: WOAH! VON MEINEM WELPEN gebISS MIT ENGLISCHEN/TAGALOG-UNTERTITELN (2) FILIPINO BOOK: WOAH! BITTEN BY MY PUPPY WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES (2) KSIĄŻKA FILIPIŃSKA: WOAH! UGRYZONY PRZEZ MOJEGO SZCZENIAKA Z NAPISAMI W JĘZYKU ANGIELSKIM/TAGALOGU (2)

"A, ganun ba?" tanong ni Dra. Espie. "Is that so?" asked Dr. Espie.

"O sige, uunahin ko munang bigyan ng bakuna sina Zimatar at Bronson. "Well then, I'll vaccinate Zimatar and Bronson first.

Puwera muna si Bruna kasi kailangan muna natin siyang obserbahan sa loob ng sampung araw. We'll exclude Bruna for now because we still have to observe her behavior for ten days.

Kung walang masamang mangyayari kay Bruna, ibalik ninyo siya rito para bakunahan ko." If, within that time, nothing bad happens to her, you bring her back here for her anti-rabies shot."

Ilang saglit pa at iniiniksyunan na ng bakunang kontra-rabis sina Bronson at Zimatar. In a short while, Dr. Espie gave anti-rabies shots to Bronson and Zimatar.

Puro igik at ungol ang maririnig sa paligid. Squeals and whines were heard inside the clinic.

Nang matapos ito ay kinalabit ni Janella si Mommy Grace. After this, Janella lightly tapped Mommy Grace on the arm.

"Ligtas na po bang kalaro ang mga tuta?" "Are the puppies now safe to play with?"

"Oo, anak. "Yes, Janella.

Pero ikukulong at oobserbahan muna natin si Bruna. But we have to get Bruna in a cage and observe her first.

Ipagdasal na lang natin na walang masamang mangyayari sa kanya." Let's just pray that nothing bad happens to her."

Sunud-sunod na tango ang naging sagot ni Janella. Janella nodded her head repeatedly.

"Opo, ipagdarasal ko po si Bruna. "Yes, I'll be praying for Bruna, Mommy.

At saka Mommy, sorry po kasi puro si Bruna ang inatupag ko. And Mommy, I-I'm sorry I spent too much time playing with Bruna.

Nakagat tuloy ako. That's why I got bitten.

Promise po, pagbubutihin ko na ang pag-aaral ko." I promise to do my school work properly from now on."

Mula noon, araw-araw nilang tinitingnan kung may pagbabago kay Bruna. The children carefully watched every day for any change in Bruna's behavior.

Pagkagising sa umaga, agad nilang pinupuntahan ito sa kanyang kulungan. After waking up, they'd immediately go to the puppy's cage.

Inoobserbahan ang bawat galaw nito, kung may gana itong kumain, kung masigla ito o malungkot. They observed her every move, how her appetite was, whether she stayed active or had grown listless.

Sa eskuwelahan naman, napansin ng titser hi Janella na matataas na ang mga grado nito sa mga exam. Meanwhile, in school, Janella's teacher noticed that she was doing good in her exams.

Matuling lumipas ang sampung araw. The ten days went by very quickly.

Tumakbo kay Mommy Grace si Janella. Janella ran to Mommy Grace.

"Mommy, sampung araw na mula nang makagat ako ni Bruna. "Mommy, it's been ten days now since Bruna bit me.

Buhay pa po si Bruna! And Bruna's still alive!

Saka masigla pa rin po siya. She's still very active, too.

Ibig sabihin, ligtas na po siya?" Does that mean she's safe now?"

"Oo, anak, at ligtas ka na rin sa rabies! "Why, yes, and that means you're safe from rabies, too!

Salamat sa Diyos!" Thank you, Lord!"

Nakahinga nang maluwag si Mommy Grace. Mommy Grace breathed a big sigh of relief.

Napatili sa saya si Janella. Janella squealed with delight.

Nagmamadaling inilabas niya si Bruna at kinarga papalabas ng kanilang gate. She hurriedly got Bruna out of the cage and carried her towards the front gate.

"O, anak, saan ka pupunta?" tanong ni Mommy Grace. "Where are you going, Janella?" asked Mommy Grace.

"Kay Dra. Espie po, Mommy! "Off to Dr. Espie's clinic, Mommy!

Di ba't sabi n'ya, kapag walang masamang nangyari kay Bruna, ibabalik natin ito sa kanya para pabakunahan?" Didn't she say that when nothing bad happens to Bruna, we should take her back to have her anti-rabies shot?"

O, mga bata, ngayon, mas maalam na tayo sa tamang pangangalaga ng ating mga alagang aso. So kids, now we know how to take good care of our pet dogs.

Alam na rin natin ang dapat nating gawin kapag nakagat tayo ng aso. We also know now what to do when we get bitten by a dog.

Mas mabuti talaga kung sasabihin agad ito sa ating mga magulang. It really is best if we immediately tell our parents about it.

Para sa mga magulang naman, heto ang mga dapat gawin kapag may nakagat ng aso: And as for the parents, here's what we should do when someone gets bitten by a dog:

• Paduguin ang sugat. • Squeeze around the wound to make it bleed.

Hugasang maigi ng sabon at tubig. Wash it thoroughly with soap and water.

Alamin kung may bakuna ang asong kumagat. • Find out if the dog has had anti-rabies vaccination.

Kumunsulta agad sa doktor o nurse. • Consult a doctor or nurse immediately.

HUWAG papatayin ang aso (kahit na galit kayo dito!). • Do NOT kill the dog (even if you're angry with it!).

Itali o ikulong agad ito at obserbahan sa loob ng 10-14 na araw. Tingnan kung magiging mabangis ang aso o kung magiging matamlay ito. Immediately put it on a leash or in a cage and observe it for 10-14 days. Check if it turns mad or listless.

Kung mananatiling buhay ang aso sa loob ng dalawang linggo, walang taglay na rabies ang aso. • If the dog is still alive after two weeks, then it has no rabies.