ANG RESPONSABLENG BATA (I'LL DO IT, TAKING RESPONSIBILITY) IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES
Gagawin Ko Ito, Ang Pagiging Responsable
ni Brian Moses at Mike Gordon
(MUSIC)
Ikaw ba ay isang responsableng bata?
Maaari ka bang pagkatiwalaan na gumawa ng mga bagay na mag-isa?
Nililinisan mo ba ang iyong sariling silid ...
Pinupulot mo ba ng sarili mo ang iyong mga laruan ....
O sinasabi mo na gagawin mo ang mga bagay na ito,
o ginagawa mo nga pero hindi naman maayos,
o hindi mo sila ginagawa talaga?
Ang pagiging responsableng tao ay nagsisimula sa pagiging responsable para sa iyong sarili,
kung ano ang iyong ginagawa at kung gaano kahusay mong gawin ito.
Kailangan ka pa bang paalalahanan na:
suklayin ang iyong buhok ....
at linisin ang iyong mga ngipin?
Naghihintay ka pa ba hanggang ang mukha ng iyong ina ay mamula sa kasisigaw ng malakas?
O pinag-iisipan mo ang mga bagay na ito mag-isa at sisiguraduhin na sila ay nagawa na?
Kung may pananagutan ka para sa ilang maliliit na gawain sa loob ng bahay,
maaari itong maging kapaki-pakinabang.
Mula ngayon:
.... kaya mong iligpit ang pinaghigaan mo o ayusin ang iyong kama
.... kaya mong diligan ang mga halaman
.... at kaya mong panatilihing malinis ang iyong silid tulugan!
Minsan papakiusapan ka na maging responsable para sa ibang tao ...
"Pakiusap lang, kunin mo ang iyong kapatid at alagaan siya habang nakikipag-usap ako sa telepono, pwede ba.
"Tulungan mo ang iyong kapatid na babae na maliit na mag-bihis habang papasok ako sa garahe.
"Kailangan mong bantayan ang iyong maliit na kapatid sa labas ng kusina habang ako ay nagluluto."
Kapag ang isang tao ay may dinaramdam o nagkaroon ng isang maliit na aksidente,
sila ay matutuwa kung matutulungan mo sila.
"Masyadong mainit, sobrang sakit tuloy ng ulo ko."
"Umupo ka lang po sa loob ng bahay at dadalhan kita ng malamig na inumin."
"Diyan ka lang po at huwag kayong kikilos, kukuha ako ng band-aid."
Ang pag-ako ng responsibilidad para sa iyong mga alagang hayop ay isang palatandaan
na ikaw ay talagang nagiging isang responsableng tao.
Tiyaking maaalala mo na pakainin sila bawat araw.
Linisan ang mga ito na mag-isa,
ngunit siguraduhing hindi sila mawawala sa paligid ng bahay.
Kung gaano kahusay ang pag-aalaga mo sa mga bagay ay tanda rin ito kung gaano ka ka-responsable.
Ang anumang bagay na nakakalat sa paligid ay madaling masira,
kaya tandaan na ibalik ang mga aklat sa mga istante.
Responsibilidad mo ring pag-ingatan ang pag-gamit ng mga mamahaling kagamitan.
Tandaan na linisan ang iyong mga kamay bago mo gamitin ang kompyuter.
Ang pagiging maingat sa pag-punta sa mga tindahan o sa kalye
ay isa pang tanda na ikaw ay nagiging isang responsableng tao.
3:43.2 (LITTLE GIRL HAVING A TANTRUM)
"Tingnan mo ang maliit na batang babae na iyon.
Ganon ba ako kumilos noon?
"Sigaw ka rin ng sigaw, at nagtatatakbo rin.
"Hindi ko na ginagawa iyan ngayon, mas gusto kong tumulong.
Malaki at nagtanda na ko."
Kapag nakita nila na ikaw ay tunay na kumikilos na talagang responsable,
maaaring pakiusapan ka ng iyong mga magulang na magsadya kung saan para sa kanila ...
"Ayokong hilahin ang mga mabibigat na bag na ito sa tindahan.
Maaari mo bang gawin ito at kumuha ka ng papel, pakiusap.
Titingnan kita mula rito. "
"Ngayon pakibalik ang CD sa music library habang hihintayin kita rito."
Kailangan mo ring matutunan ang responsibilidad para sa iyong sariling mga gamit.
Kung dadalhin mo ang iyong paboritong laruan sa labas ng bahay,
dapat mong tandaan na ibabalik mo rin ito.
Tiyaking maaalala mo ang iyong sapatos na pang-ballet, o ang iyong football kit,
o ang iyong unipormeng pang-karate pagkatapos ng klase mo.
Huwag mong iwanan ang mga ito sa banyo sa labas.
Madali silang mawala.
Kapag nasa paaralan ka, mapapansin ng iyong mga guro
ang pagiging responsable mo at maaaring kang bigyan ng ng mumunti at mahahalagang gawain katulad ng:
.... pagkuha ng rehistro sa opisina ng paaralan
.... pagpapanatili ng mga aklat sa bahay-aklatan na malinis
.... siguraduhin na ang mga lapis ay bagong tasa
... pag-tingin sa alagang-isda.
Kapag alam mo na maaari kang maging responsable para sa iyong sarili at sa iyong mga ikinikilos,
ang lahat ay magtitiwala sa iyo sa mas mahahalagang gawain.
Makikita nila na lumalaki ka na nagiging isang responsableng tao.
(MGA BATA NA NAGLALARO AT TUMATAWA)
Kumusta na ang kalagayan mo ngayon?
Gaano kalaki ang iyong puntos sa SUKATAN NG PAGIGING RESPONSABLE?