30.5 Pagbabasa - Ang Libing
Daan-daang libong tao ang dumalo ng kanilang libing. Hindi mahulugangkarayon ang martsa. Labindalawang oras silang naglakad para ihatid sa sementeryo ang dalawang lalaking namatay, at makiramay sa kanilang mga pamilya. Malungkot na malungkot ang lahat at may mga umiiyak; mukhang Biyernes Santo ang mga mukha. Marami rin ang galit na galit dahil sa nangyari.
Ika-23 ng Nobyembre 1986. Nakitang patay sina Rolando Olalia at Leonor Alay-ay. Nakatali sila at may diyaryo sa bibig. Pinahirapan muna sila bago binaril. Hindi alam ng mga pulis kung sino ang pumatay kina Olalia at Alay-ay.
Si Rolando Olalia ang tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, ang organisasyon ng mga anakpawis. Drayber niya si Leonor.
-
- Tanong -
1) Ilang tao ang pumunta sa libing?
2) Ilang oras silang nagmartsa?
3) Kailan pinatay sina Olalia at Alay-ay?
4) Sino si Rolando Olalia?
5) Sino si Leonor Alay-ay?