29.2 Pag-upa (Naglalarawan ng apartment)
(1) CAMPUS APARTMENTS:
Dalawang kuwarto, isang banyo, malapit sa estasyon ng bus, may malalaking bintana.
P10,000 isang buwan, kailangan ng isang buwang deposito, isang buwang advance (paunang bayad).
Libre ang tubig, hiwalay ang koryente.
(2) LUXURY APARTMENTS:
Tatlong kuwarto, tatlong banyo, may swimming pool at gym, may balkonahe.
P20,000 isang buwan, kailangan ng dalawang buwang deposito, isang buwang advance.
Malapit sa shopping center, hiwalay ang tubig at koryente, libre ang internet.
(3) FAIRVIEW APARTMENTS:
Isang kuwarto, isang banyo, malayo sa unibersidad, malayo sa bus station, maraming puno sa paligid.
P5,000 isang buwan, kalahating buwang deposito, isang buwan advance. Hiwalay ang tubig, koryente at internet, libre ang cable TV.
(4) BAHAY SA MAPAYAPA VILLAGE:
Pag-aari ni Ginang Lumbera, apat na kuwarto, dalawang banyo, may maid's room, malaki ang hardin, malaki ang kusina, malapit sa simbahan.
P25,000 isang buwan, dalawang buwang deposito, isang buwang advance.
Hiwalay ang tubig, koryente, internet at cable TV.
May tricyle na puwedeng sakyan papunta sa istasyon ng tren.
(5) U.P. VILLAGE STUDIO:
Pag-aari ni Ginoong Tolentino, studio apartment, isang banyo, kailangang sumakay ng tricycle papunta sa estasyon ng tren.
P7,000 isang buwan, libre ang tubig, internet, at cable TV.
Hiwalay ang koryente. Mayroong air conditioner sa studio. Mayroon na ring mga kasangkapan ang studio.