12.7 Pagbabasa - Papuntang Sagada
Labindalawang oras ang biyahe mula Maynila hanggang Banaue, dalawang oras mula Banaue hanggang Bontoc, at apatnapu't limang minuto mula Bontoc hanggang Sagada.
May mga tao na mas gusto ang biyahe na Maynila hanggang Baguio, at Baguio hanggang Sagada. Pero mas gusto ni Lillian na sumakay ng bus papuntang Banaue. Mas maganda kasi ang mga tanawin. Nakikita niya ang mga bundok, ang rice terraces, ang mga ilog at mga talon.
Nakaupo si Lillian sa istasyon ng bus. Dahil alas-diyes ang alis ng bus, dumating siya sa istasyon nang alas-nuwebe y medya. Hinihintay niya ang nobyo niyang si Ramon.
Alas-nuwebe kwarenta y singko na. May emergency meeting kaya si Ramon?
Bakit hindi siya sumasagot sa telepono? Naaksidente kaya siya?
Apat na araw, tatlong gabi. Ito lang ang “vacation leave” niya. Naplano na niya ang lahat. Pupunta sila sa mga kuweba, sa mga talon, sa mga “hanging coffins". Magpi-picnic sila sa isang burol. Magha-hiking sila sa bundok. Ang ganda. Kamukha niya si Hilda Koronel sa vintage 1970s na pelikulang “Kung Mangarap Ka't Magising (If You Should Dream, and then Wake Up)".
Limang minuto bago mag-alas-diyes ng gabi. Aalis na ang bus. Hindi bale. Pupunta pa rin ako sa Sagada, sabi ni Lillian sa sarili. Okay naman. Nakakainis lang ang naghihintay.
Tumatakbo si Ramon. Ngumiti si Lillian. Pagkatapos, naisip niya: Okay naman. Nakakainis lang ang naghihintay.